GMA Logo Pulang Araw My Guardian Alien and 'Love Die Repeat
What's Hot

'Pulang Araw,' 'My Guardian Alien,' 'Love. Die. Repeat,' at ilang Kapuso shows na aabangan ngayong 2024

By Aimee Anoc
Published December 31, 2023 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw My Guardian Alien and 'Love Die Repeat


Narito ang ilang bigating programa ng GMA na dapat abangan ngayong 2024.

Bago at bigating mga programa ang aabangan ngayong 2024 sa Kapuso Network!

Talaga namang hindi mabibitin dahil kumpleto sa rekados mula drama, fantasy, suspense, historical hanggang sa kilig serye.

Una na rito ang My Guardian Alien na pagbibidahan ng nagbabalik teleserye na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera katambal si Gabby Concepcion.

Magsasama-sama naman ang mga primerang artista na sina Bea Alonzo, Gabbi Garcia, at Carla Abellana sa intense drama series na Widows' War.

Kapana-panabik din ang bagong historical drama na handog ng Kapuso Network, ang Pulang Araw, na pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

Kakaibang drama naman ang aabangan sa Asawa ng Asawa Ko na pagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, at Rayver Cruz.

Mapapanood na rin ngayong January 2024 ang inaabangang tambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa Love. Die. Repeat.

Huwag palampasin ang mga dekalidad na programang ito ngayong 2024 sa GMA.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PASILIP SA MGA KARAKTER NA GAGAMPANAN NINA JENNYLYN MERCADO AT XIAN LIM SA LOVE. DIE. REPEAT.