
Maituturing na educational ang GMA Prime series na Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.
Kathang-isip man ang kuwento ng programa, base pa rin ito sa kasaysayan ng Pilipinas, partikular ang World War II at panahon ng pananakop ng mga Hapon.
Kaya naman nagamit pa ng isang guro mula sa Pampanga ang isang episode nito para sa isang lesson.
Inatasan ng teacher at content creator na si Karla Ong-Bagtas ang kanyang mga mag-aaral na gumawa ng critique paper base sa episode 55 ng Pulang Araw.
Ipinakita sa episode na ito ang karahasang naranasan ng mga kababaihan sa kamay ng mga sundalong Hapon.
Ayon kay Teacher Karla, humanga rin siya sa ganda ng pagkakagawa ng serye.
"Integration of Pulang Araw Ep.55 to our lesson (Writing a Critique Paper using Feminism & Marxism Approach)
THIS IS A MASTERPIECE! Apakaganda! Kudos GMA!" sulat niya sa Facebook.
Napuno rin ng magagandang comments tungkol sa programa ang post ni Teacher Karla.
Sumang-ayon ang ilan na magandang ipapanood ang serye sa mga kabataan para kapulutan nila ng aral.
Inihambing naman ng ilang ang Pulang Araw sa makatuturang mga cultural at historical programs ng GMA Network tulad ng Maria Clara at Ibarra at Legal Wives.