
Tatlong araw bago ang world TV premiere ng highly-anticipated series na Pulang Araw bukas, July 29, ay nagsimula na itong mapanood sa streaming platform na Netflix.
Sa ngayon, nasa No.1 one spot na ang Pulang Araw sa “Top 10 TV Shows in the Philippines Today” ng Netflix.
Noong Biyernes, July 26, sa unang raw nito sa nasabing streaming platform, agad na nag-trending sa social media ang Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Mapapanood din dito ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.
Hot topic din online ang aktres na si Rhian Ramos na gumanap bilang si Filipina Dela Cruz na ina nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza) sa serye.
Sa TikTok, nag-repost si Rhian ng isa sa mga eksena niya sa episode 1 ng series na talagang hinangaan ng fans.
@whianwamos_ Here's some #PulangAraw behind the scenes. Watch it on Netflix today and on GMA on Monday! #RhianRamos #celebritiesonset #behindthescenes #fyp ♬ original sound - Rhian Ramos
Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.
Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.
Mapapanood din sa nasabing star-studded series ang iba pang mga batikan at mahuhusay na artista kabilang sina Epy Quizon, Angelu De Leon, Rochelle Pangilinan, Robert Seña, Neil Ryan Sese, Ashley Ortega, Mikoy Morales, Sef Cadayona, Jay Arcilla, Aidan Veneracion, at Tyro Daylusan.
Tampok din serye sa kanilang natatanging partisipasyon sina Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Isay Alvarez, Rabiya Mateo, Jacky Woo, Maria Ozawa, at Billy Ray Gallon.
Panoorin ang official AVP ng Pulang Araw, RITO:
Subaybayan ang Pulang Araw sa free TV simula bukas, July 29, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference