
Umani ng samu't saring papuri ang inilabas na official primer o full trailer ng highly-anticipated series ng GMA ngayong 2024 na Pulang Araw.
Wala pang bente kuwatro oras, umani na ng mahigit 5 million views ang naturang trailer at nakakuha pa ng iba't ibang positibong reaksyon mula sa mga manonood.
Sa nasabing trailer, isa-isang ipinakilala ang mga karakter na gagampanan ng mga bida ng serye na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Maging ang natatangging pagganap ni Dennis Trillo.
Iikot ang kuwento sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.
Ipinakita na rin sa trailer ang mga karakter na bibigyang buhay nina Epy Quizon, Angelu De Leon, Robert Seña, Rochelle Pangilinan, Ashley Ortega, Neil Ryan Sese, Mikoy Morales, Jay Arcilla, Aidan Veneracion, Sef Cadayona, at Tyro Daylusan.
Marami rin ang natuwa sa magiging partisipasyon sa serye nina Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Isay Alvarez, Rabiya Mateo, Jacky Woo, Maria Ozawa, Billy Ray Gallon, at Rhian Ramos.
Base sa mga komento ng mga nakapanood na ng trailer, mahalaga ang kuwentong tatalakayin ng Pulang Araw dahil magsisilbi itong paalaala sa dinanas na sakripsyo ng mga Pilipino noon.
“Ang ganda. Sobrang ganda. This is going to be written in the books. It will be a culturally relevant masterpiece. Salute GMA for not being afraid of taking risks in making a series in this genre! Kudos! Hands down! Slow clap! Props to you!” komento ng isang netizen sa Facebook.
Maging ang ilan sa mga Gen Z, interesado at hindi na rin makapaghintay na masubaybayan ang serye.
“Wow, GMA made history again. They don't disappoint us when it comes [to] featuring iconic historical events in our beloved country. We're Gen Z, and they remind us that our history is still the same. History will never change and be forgotten despite our innovative perspectives. I hope that youth are more engaged in learning about our history because history is the only legacy we could have. Salute to GMA, you made us proud as Filipinos,” saad ng isang social media user.
Dagdag naman ng isang fan, “Grabe, another award winning series na naman 'to, nangangamoy multiple awards.”
Sa X, Martes ng gabi, kasama rin sa top trending list ang Pulang Araw na talagang pinag-uusapan online.
Panoorin ang official primer ng Pulang Araw, DITO:
Mapapanood ang Pulang Araw simula sa July 29 sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference