GMA Logo Pulang Araw
What's on TV

'Pulang Araw,' umabot na ng 100 episodes

By Marah Ruiz
Published December 13, 2024 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw


Narating na ng 'Pulang Araw' ang ika-100 episode nito.

Isang panibagong milestone ang narating ng GMA wartime family drama na Pulang Araw.

Ngayong araw, December 13, mapapanood ang ika-100 episode nito.

Sa takbo nito papunta sa 100 episodes, umani ang programa ng 1.3 billion views sa iba't ibang social media platforms nito.

Bukod dito, humakot din ito ng iba't ibang awards mula sa Pilipinas at sa buong mundo.

Hinirang ito bilang Household Favorite Program sa Anak TV Seal Awards 2024 at Most Outstanding Teleserye sa Gawad Lasallianeta 2024.

Napili rin ito bilang National Winner ng Pilipinas para sa Best Promo or Trailer sa 2024 Asian Academy Creative Awards, at nominado sa Venice TV Award 2024 sa kategoryang Telenovela.

Kabilang din ang Pulang Araw sa Lunar Codex Project bilang kauna-unahang Filipino TV series na ia-archive sa buwan.

Sa ika-100 episode ng Pulang Araw, tatakbo sa simbahan si Teresita (Sanya Lopez) para magtago mula kay Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Mas paiigtingin pa ng pangkat ni Eduardo (Alden Richards) ang kanilang paglaban sa mga manananakop.

Samantala, matutunton na ni Hiroshi (David Licauco) si Adelina (Barbie Forteza).


Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.