
Isang katangian ng isang superhero ay ang pagiging handa laging sumaklolo.
Magandang halimbawa niyan ang pulis na si Corporal Mary Joy Fusin na nagpaanak sa kalsada sa Dumalag, Capiz noong Hunyo.
Alam ng noo'y buntis na si Teresa Bindol na hindi na siya aabot sa ospital para manganak kaya napatigil na lang sila ng asawa niya sa labas ng health center na malapit sa police station.
Nang nalaman ng pulis ang emergency, agad-agad na rumesponde si Corporal Fusin na isa rin palang nurse at matagumpay na ipinanganak si Baby Juana.
“Kinakabahan po ako noong time na 'yun. Iniisip ko kung kaya ko ba, kung tama ba 'yung ginagawa ko. Kasi po dalawang buhay po 'yung nakasalalay sa akin. 'Pag magkamali po ako, maaari pong may mapahamak na buhay," kuwento ni Corporal Fusin.
Balikan ang makapigil-hiningang kuwento ni Mommy Teresa, Baby Juana, at Corporal Fusin sa GMA News ang Public Affairs year-end special na Year of the Superhero ngayong January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.