
Isang bagong segment ang dapat tutukan ng mga Tiktropa sa TiktoClock!
Simula February 6 ay napanood na sa TiktoClock ang segment na "Puno ng Swerte" kung saan maaaring makapitas ng papremyo ang isang lucky contestant. Sakaling hindi makuha ang cash prize sa araw na ito, idadagdag ito sa susunod na araw.
Sa episode rin nitong February 6 ay nakasama nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo at guest co-hosts na sina Jayson Gainza at Faith Da Silva ang mga guwapong mga bisita. Sila ay sina Mclaude Guadaña, Bruce Roeland, Nikki Co, at Ken Chan.
Naglaro pa ang mga hunks na bisita ng Hale Hale Hoy at 'Sang Tanong, 'Sang Sabog.
Ang episode na ito ay tinutukan ng mga Tiktropa kaya umani ito ng 4.2 percent rating ayon sa NUTAM People Ratings.
Huwag magpahuli at patuloy lamang na sumubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.
SAMANTALA, BALIKAN ANG BONDING NINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA SA ZAMBOANGA: