GMA Logo Puno ng Swerte in TiktoClock
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'Puno ng Swerte' ng 'TiktoClock,' back-to-back ang pamimigay ng jackpot prize!

By Maine Aquino
Published January 8, 2026 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Foreign Exchange Rate (January 14, 2026) | One North Central Luzon
DOH logs 32% increase in measles, rubella cases in 2025
GMA Pictures' 'P77' leads Prime Video's Top 10 Movies

Article Inside Page


Showbiz News

Puno ng Swerte in TiktoClock


Balikan ang pagkakapanalo ng Tiktropang si Rey Ann ng PhP50,000 sa "Puno ng Swerte" ng 'TiktoClock.'

Back-to-back ang jackpot sa "Puno ng Swerte" sa TiktoClock!

Ngayong January 8, ipinakita ang ikalawang jackpot ng 2026 sa segment na "Puno ng Swerte" ng TiktoClock. Samantala, kahapon (January 7), napanood naman si Virginia na unang nakapag-uwi ng jackpot prize na PhP 50,000 sa TiktoClock.

Ito ay ang back-to-back na jackpot sa pagbabalik ng segment na "Puno ng Swerte" sa Kapuso variety show na TiktoClock.

Ang contestant na si Rey Ann ang maswerteng Tiktropa na nagwagi ng PhP 50,000 pagkatapos niyang pitasin ang letrang G sa "Puno ng Swerte." Ayon kay Rey Ann, paghahatian nilang pamilya ang nauwi niyang papremyo ngayong araw mula sa TiktoClock.

Balikan ang masayang episode ng "Puno ng Swerte" sa TiktoClock:

Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.