GMA Logo Puno ng Swerte in TiktoClock
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'Puno ng Swerte' sa 'TiktoClock,' namigay ng unang jackpot prize ngayong 2026

By Maine Aquino
Published January 7, 2026 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardiologists stress tailored non-invasive surgical options for Filipino patients
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Puno ng Swerte in TiktoClock


Panoorin ang pagkakapanalo ng maswerteng Tiktropa ng PhP 50,000 sa "Puno ng Swerte" ng 'TiktoClock.'

Sa muling pagbabalik ng segment na "Puno ng Swerte" ng TiktoClock, namigay agad ito ng jackpot prize sa isang maswerteng Tiktropa!

Ang pagbabalik ng "Puno ng Swerte" ay nagsimula ngayong January 7. Umpisa pa lang ng TiktoClock ipinakita na agad ng mga hosts ang mga papremyong maaaring mapapanalunan.

Ang "Puno ng Swerte" ay ipinakilala bilang "ang palarong hitik sa saya at sagana sa pakwela."

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Saad ni Kuya Kim Atienza, "Sa pagbabalik ng ating palaro, mas siksik, mas liglig at mas naguumapaw ang pa-blessings na puwedeng mapitas sa ating puno."

Sa "Puno ng Swerte," maaaring makapaguwi ang isang Tiktropa sa studio ng up to PhP 50,000. Sa episode ngayon ay nakaabot sa final round si Virginia at siya ang masuwerteng nakakuha ng unang jackpot prize ngayong 2026 na PhP 50,000.

Balikan ang emosyonal na pagkakapanalo ni Virginia sa "Puno ng Swerte" ng TiktoClock:


Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.