
May bagong Tiktropa na nakapag-uwi ng jackpot prize sa "Puno ng Swerte" ng TiktoClock!
Sunod-sunod ang swerteng hatid sa "Puno ng Swerte." Ngayong January 14, napanood ang bagong Tiktropa na nakapag-uwi ng jackpot na PhP 50,000 sa TiktoClock.
Sa araw na ito ay ikinuwento ni Kuya Kim Atienza na mayroon siyang pangitain. Saad ng Kapuso host, "Ang pangitain ko ngayon, ang buhok ni John Roy, parang Puno ng Swerte."
Si John Roy ang Tiktropang nakapasok sa jackpot round ng "Puno ng Swerte." Pinitas niya ang letrang R dahil raw sa pangalan niyang Roy. Kasama niya sa TiktoClock ang inang si Rebecca.
Tulad ng ibang mga nanalo sa jackpot prize, mula rin sa pangalan ang letrang pinipitas sa "Puno ng Swerte." Ang mga nauna ay pinili ang first letter ng kanilang apelyido. Samantalang si John Roy ay pinili ang letra mula sa kaniyang pangalan.
Panoorin ang emosyonal na pagkapanalo ni John Roy kasama ang kaniyang ina sa "Puno ng Swerte" ng TiktoClock:
Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.