
Binibisita na ng fans ang mga puntod ng ilang sumakabilang buhay na personalidad tulad nina Nora Aunor, Fernando Poe Jr, at Susan Roces.
Sa report ng 24 Oras, dinalaw na ni Lotlot de Leon ang puntod ng inang si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani ilang araw bago ang Undas.
Sa pagpunta, siniguro ni Lotlot na malinis at maayos ang puntod ng ina, at naglagay ng bagong lapida kung saan nakaukit ang silhouette ng superstar.
Mayroon na ring mga bulaklak na galing sa mga nagmamahal kay Nora.
Dinadalaw na rin ng fans ang museleo ni National Artist Fernando Poe Jr at ng kanyang asawa na si Susan Roces sa Manila North Cemetery, kung saan may ilang fans na nagpapa-picture sa gate nito.
Sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque, binibisita na rin ng fans ang ilang kilalang personalidad na nakahimlay rito tulad nina John Regala, Helen Vela, Rico Yan, Charito Solis, dating Senador Ninoy Aquino, dating Pangulong Cory Aquino, at dating Pangulong Noynoy Aquino.
Samantala, tingnan ang celebrities na sumakabilang buhay na ngayong 2025 sa gallery na ito: