
Ibinahagi ng Ismol Family star na si Boobay sa exclusive interview ng GMA Network.com sa kanya na napakahalaga bilang isang performer na maging responsable sa bawat salita na kanyang binibitawan.
Ayon sa magaling na komedyante, kahit sa mga show niya sa comedy bars, very mindful daw siya sa mga jokes at alam niya na may limitasyon ito.
Paliwanag ni Boobay, “Yes very important 'yan sa akin, sobrang pinapratice ko 'yan. Even sa comedy bar, ako naniniwala ako na pag-performer ka talaga kahit sa live or sa TV, you have to be responsible sa lahat ng mga sasabihin mo, bibigkasin mo. Mayroon, pag sa live mayroon kang masasabi na mga medyo green [jokes].”
Dagdag pa niya, iniiwasan din daw niya ang nauusong klase ng pagpapatawa, ang panlalait, dahil ayaw niyang makasakit ng damdamin ng ibang tao.
“Huwag na huwag 'yun. Sabi ko kasi puwede ka namang magpatawa na hindi nanlalait ng iba, puwede sa sarili mo pero not the other [people]. Puwedeng makapag-cause ng pain ‘yun ganyan. So 'yun pag performer ka talaga, you have to be responsible sa mga sasabihin mo.
MORE ON BOOBAY:
READ: 'Ismol Family' comedian Boobay reveals why Baguio has a special place in his heart
Travel ideas for a great holiday getaway from 'Ismol Family' stars
READ: Boobay, may nakakalokang makeup tip!