
Binuksan ng Pepito Manaloto stars, sa pangunguna ng seasoned comedian na si Michael V., ang kani-kanilang tahanan sa special comeback episode ng high-rating Kapuso sitcom noong Sabado ng gabi, September 5.
Nagbahagi isa-isa ang cast members ng mga pinagkaabalahan nila o 'di kaya natutunan habang naka-quarantine sa kani-kanilang bahay sa gitna ng nararanasan nating pandemya.
Ang mga Pepito Manaloto ladies tulad nina Manilyn Reynes at Mosang, binuhos ang oras sa pag-e-ehersisyo upang mapalakas ang kanilang pangangatawan.
Ano naman kaya ang pinagkaabalahan ng boys habang wala pa silang shooting sa sitcom?
Alamin sa episode highlights ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na napanood noong Sabado, September 5 sa video below.
John Feir, Mosang, nagbangayan ba nang magkita sa taping ng 'Pepito Manaloto'?
Michael V., dasal ang naging sandigan nang mag-positive sa COVID-19