
Uso ngayon ang pagpapahaba ng buhok at pagpapatubo ng balbas at bigote para makumpleto ang tinatawag na “quarantine look.”
At ang komedyanteng si Divine Tetay, tila naki-join na rin sa scruffy look ng mga lalaki.
Makikita si Divine Tetay sa isang video na makapal ang kilay at may balbas at bigote.
Panimula niya, “Hi guys! Look what quarantine made me do.”
Kapansin-pansing make-up lang ang kanyang nasa mukha pero kinagiliwan pa rin siya ng kanyang mga kaibigan at fans dahil sa kanyang quarantine look.
Comments on Divine Tetay's quarantine looks
Sumikat si Divine Tetay bilang impersonator ni Kris Aquino.
Samantala, panoorin ang look ni Divine Tetay sa "Binibining ECQ 2020" ng All-Out Sundays:
WATCH: Divine Tetay, nakaranas ng pambubugbog mula sa kanyang ex!