GMA Logo Queen and I
What's Hot

Queen and I: Ang first kiss nina Regine at Boong-do

By Beatrice Pinlac
Published February 17, 2022 9:59 AM PHT
Updated February 17, 2022 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Queen and I


First at last kiss na kaya ito nina Regine (Yoo In-na) at Boong-do (Ji Hyun-woo)?

Sa ikalawang linggo ng Queen and I, napasakamay ni Regine (Yoo In-na) ang agimat ni Boong-do (Ji Hyun-woo) at dahil ito'y nahimatay at sinugod sa ospital, ipinagpaliban muna ni Boong-do ang kaniyang pagbabalik sa Joseon era.

Mukhang mapapatagal pa ang kaniyang pamamalagi sa kasalukuyang panahon kaya naisipan nito na mag-blend in muna sa mundo ni Regine.

Nang maiba na ang kaniyang pananamit, muli silang nagkita ni Regine at tinuruan siya nito kung paano dapat gumalaw sa modern-day Seoul. Mula sa pagsuot ng seatbelt hanggang sa pag-lock ng pinto, matiyaga siyang ginabayan ni Regine kahit hindi pa nito gaanong naiintindihan ang kaniyang tunay na pakay sa kasalukuyang panahon.

Bumalik sila sa ospital kung saan naka-confine si Regine at isang hindi inaasahang bisita ang nagdaan sa kuwarto nito. Dinalaw si Regine ng kaniyang galit na galit na ka-trabahong si Jenelle.

Iginigiit niya na si Regine daw ang nagpakalat ng tsismis na ang kaniyang pagtataray ay ang dahilan kung bakit ito nahimatay. Sinaklolo naman ni Boong-do si Regine bago pa man siya tuluyang mapagbuhatan ng kamay ni Jenelle.

Queen and I

Tila hindi nauubusan ng bisita si Regine sa ospital dahil ang sumunod naman na dumalaw dito ay ang kaniyang dating kasintahan na si Dominic. Imbes na si Regine ang maabutan nito, si Boong-do ang kaniyang nakita sa loob ng kuwarto.

Nauwi sa away ang kanilang unang pagkikita dahil inakala ni Dominic na siya ay stalker lamang ni Regine.

Queen and I

Tinulungan naman ni Regine si Boong-do para matuklasan nito ang mga naganap sa kasaysayan kung saan siya'y kabilang. Matapos nitong malaman ang kinahinatnan ng kaniyang kuwento, nagpaalam na siya kay Regine at naghanda para makabalik sa Joseon era.

Ngunit hindi ito pumayag na siya'y umalis nang ganoon na lamang. Hinila ni Regine si Boong-do para sa isang matamis na halik pero ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit niya ito nagawa?

Matuloy kaya ang pagpapaalam ni Boong-do o mas piliin kaya niyang manatili sa piling ni Regine?

Abangan ang mga susunod na magaganap sa Queen and I mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m. dito lamang sa GMA.