GMA Logo Queen and I
What's Hot

Queen and I: Ang pagtatagpo ni Regine at Boong-do

By Beatrice Pinlac
Published February 10, 2022 9:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Queen and I


Nagsimula nang magpakilig sina Yoo In-na at Ji Hyun-woo sa 'Queen and I!'

Unang linggo pa lamang pero labis-labis na ang pagpapakilig nina Kim Boong-do (Ji Hyun-woo) at Regine Choi (Yoo In-na) sa Queen and I.

Nasaksihan ang buong pusong paghanga ni Boong-do kay Queen In-hyun nang iligtas niya ito mula sa bingit ng kamatayan.

Bago magtungo sa palasyo, dumaan muna siya sa isang gisaeng house para bisitahin si Yoon-wol. Ipinatago niya dito ang isang lihim na naglalaman ng mahalagang impormasyon at kapalit nito, binigyan naman siya ni Yoon-wol ng isang agimat para matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Pagdating ni Boong-do sa palasyo, nakipagtagisan siya sa isang chief assassin ng hari at nabigyang-bisa ang agimat nang bigla siyang maglaho patungo sa modern-day Seoul.

Sa kabilang banda, nasulyapan din ang kuwento ni Regine na unti-unti nang nauubusan ng pag-asa sa kaniyang pangarap na maging isang ganap na aktres.

Matapos ang ilang pagsubok, nakatanggap siya ng magandang balita tungkol sa kaniyang “big break” kung saan gagampanan niya ang karakter ni Queen In-hyun. Sa kasamaang palad, makakasama niya sa proyektong ito ang kaniyang dating nobyo na si Dominic.

Nagtagpo na rin si Regine at Boong-do sa unang pagkakataon nang mapadpad sila sa palasyo kung saan gagawin ang serye tungkol kay Queen In-hyun.

Ngunit dahil litong-lito pa si Boong-do sa lahat ng mga pangyayari, sinubukan muna niyang alamin ang hiwagang taglay ng agimat na iniregalo sa kaniya ni Yoon-wol.

Matagpuan kaya niya ang sagot sa kaniyang mga katanungan? Magtagal pa kaya ang pagsasama nina Regine at Boong-do o basta-basta na lamang ba magwawakas ang kanilang kuwento?

Subaybayan ang mga susunod na kabanata ng Queen and I mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m. dito lamang sa GMA.