GMA Logo Queen and I
What's Hot

Queen and I: Ungkatan na ba ng past?

By Beatrice Pinlac
Published February 22, 2022 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Queen and I


Magustuhan kaya ni Boong-do (Ji Hyun-woo) ang malalaman niya tungkol sa kaniyang past?

Sa ikatlong linggo ng Queen and I, natuklasan na ni Boong-do (Ji Hyun-woo) ang madilim na kapalaran na naghihintay sa kaniya.

Labis rin na ikinalungkot ni Regine (Yoo In-na) nang malaman nitong nakatakda na pala sa kasaysayan ang kahahantungan ng buhay ni Boong-do.

Pero sadyang hindi susuko si Boong-do dahil buong puso pa rin siyang lalaban para matakasan ang bingit ng kamatayan. Nang makabalik siya sa kasalukuyang panahon, agad niyang inaral kung paano gumamit ng telepono para matawagan ang isang nag-aalalang Regine.

Laking tuwa naman ng aktres nang malaman nito na buhay at ligtas pa si Boong-do. Nagkita sila sa paliparan at magkasamang sumakay sa isang flight kung saan nakasabay nila si Dominic.

Gumawa ito ng malaking eksena nang muli siyang nakipagtuos kay Boong-do sa loob ng eroplano. Ipinagtanggol naman ni Regine si Boong-do at ipinakilala pa ito bilang kaniyang bagong kasintahan. Mabilis na kumalat ang nakakahiyang balita at lubos na naapektuhan ang reputasyon ni Dominic.

Ano kaya ang handang gawin nito para lang maayos ang kaniyang imahe sa publiko? Bukal kaya sa kaniyang kalooban na makipag-ayos kay Boong-do?

Subaybayan ang mga susunod na magaganap sa Queen and I mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m. dito lamang sa GMA.