
Sa pagbabalik ng K-drama thriller sa GMA Prime na Queen of Masks, may mga panibagong matitinding pasabog na gumulat sa apat na reyna.
Sa nakaraang episodes ng South Korean series, tila naulit muli ang bangungot nina Jaclyn, Amara, Devon, at Demi nang masangkot sa pagkamatay ni Victor.
Sila ang primary suspects sa murder dahil nakita silang pumunta sa hotel kung saan binawian ng buhay ang lalaki. Gaya dati sa kasong pagpatay kay Dion, nadiin muli si Amara nang kuwestiyunin siya ng mga pulis dahil sa mismong kwarto niya namatay si Victor.
Sa kabila nito, nakahinga naman nang maluwag ang magkakaibigan dahil walang sapat na ebidensiya laban sa kanila dahil patay ang CCTV sa hotel noong panahong nangyari ang insidente.
Samantala, hindi pa matatapos ang kalbaryo ng apat dahil pupuntiryahin sila ng kanilang bagong kalaban. Bumalik pa kaya sa normal ang kanilang mga buhay? Subaybayan sa nalalapit na pagtatapos ng Queen of Masks weeknights, 10:20 p.m. sa GMA Prime.