GMA Logo King Jinpyeong and So hwa
What's Hot

Queen Seondeok: King Jinpyeong, ipinagkatiwala ang isa niyang anak kay So-hwa

By EJ Chua
Published January 13, 2023 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

King Jinpyeong and So hwa


Para mailigtas ang isa sa kaniyang kambal na anak, nagdesisyon si King Jinpyeong na ilayo ito sa palasyo.

Sa South Korean historical drama series na Queen Seondeok, nanganak na si Queen Maya ang asawa ni King Jinpyeong.

Kasunod nito, labis na nagkagulo sa palasyo dahil hindi nila inaasahan na dalawang sanggol na babae ang isisilang ng reyna.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kailangang mabilis na makapagdesisyon ang hari kung ano ang gagawin nila sa isa pang sanggol dahil tiyak na mapapahamak lamang ito kung mananatili ito sa loob ng palasyo.

Ang unang sanggol ang pinaniniwalaan ni King Jinpyeong na nakatakdang magpapabagsak kay Lady Mishil.

Nang mga oras na iyon, tila hindi na alam ng hari kung ano ang kaniyang gagawin dahil ayaw pumayag ng reyna na malayo sa kaniya ang isa pang sanggol.

Masakit man para sa kaniya, nagdesisyon ang hari na ipagkatiwala ang kaniyang anak sa isa sa mga katulong nila sa palasyo, si So-hwa.

Naisip niyang mas makabubuti para sa sanggol na maitakas ito agad ni So-hwa bago pa ito malaman ng mga taong pwedeng maging dahilan ng ikakapahamak nito.

Sabi ni King Jinpyeong kay So-hwa, “Noong maulila ako, ikaw lang angkKaramay ko at lubos na pinagkakatiwalaan. So-hwa, parang awa mo na, pangalagaan mo ang anak ko, nakikiusap ako, iligtas mo siya.”

Kahit ilang beses tumanggi si So-hwa, tila kailangan niya na talagang makalayo kasama ang sanggol bago pa ito malaman ng ibang tao sa palasyo.

Makakaligtas kaya sina So-hwa at ang isa sa mga anak nina King Jinpyeong at Queen Maya?

Patuloy na subaybayan ang Korean series na Queen Seondeok, mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 11: 30 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG KOREAN DRAMAS NA SINUBAYBAYAN NG MGA PINOY SA GALLERY SA IBABA: