GMA Logo Karylle
What's Hot

'Quezon' actress Karylle, labis ang hanga kay Doña Aurora Quezon

By Kristine Kang
Published October 14, 2025 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 15, 2026
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Karylle


Gagampanan ni Karylle ang karakter na si Doña Aurora Aragon Quezon!

Babalik sa big screen ang It's Showtime host na si Karylle sa isang makasaysayang pelikula.

Sa kanyang pagbisita sa morning show na Unang Hirit, masayang ibinahagi ng aktres at singer ang kanyang karanasan sa paggawa ng bagong historical film na Quezon.

Gagampanan ni Karylle ang papel ni Doña Aurora Aragon Quezon, ang matalino at mapagmalasakit na asawa ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

"Isa siyang babae na talagang hinahangaan ko kasi ang dami niyang ginawang charity work.... Where I've been volunteering mula 18 years old ako," kuwento ni Karylle.

" 'Yung connection lang namin sa charity life and 'yung kabutihan niya has spanned almost a hundred years kasi naabutan ko, e."

Labis na humanga ang bagong UH host-mate kay Doña Aurora nang matuklasan niya ang mga kontribusyon nito para sa bansa. Kaya naman pinaghandaan niya rin nang husto ang proyekto.

"Aside from all her charity work, siya 'yung nagsulong talaga. She really campaign para ang mga kababaihan ay makaboto," pahayag ng aktres.

"I had a book na regalo nga ni [Jericho Rosales]. Talagang rinesearch ko kung sino ba siya. 'Yung pamilya nila mahilig sa education. Talagang 'yun 'yung sinusulong nila kaya konektado din 'yun sa pagbisibisita namin sa mga school, nag school tour ang Quezon. We make sure mga kabataan, they ask questions para maging matalino sila at marunong magtanong, at makisali sa disuksyon ng politika ."

Kasama ni Karylle sa pelikula ang iba pang bigating stars na sina Jericho Rosales, Benjamin Alves, Mon Confiado, Iain Glen, Arron Villaflor, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Joross Gamboa, Therese Malvar, Ana Abad Santos, Ketchup Eusebio, at Nico Locco.

Ang historical biopic film na Quezon ay mapapanood sa mga piling sinehan simula October 15.

Balikan ang panayam ni Karylle sa Fast Talk with Boy Abunda, dito: