GMA Logo rabiya mateo
Celebrity Life

Rabiya Mateo, emosyunal na ipinakita ang naipundar na bahay para sa pamilya

By Maine Aquino
Published January 23, 2023 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo


Puno ng pasasalamat si Rabiya Mateo sa mga tumulong sa kanya na makabili ng bahay para sa pamilya sa Iloilo.

Emosyonal at puno ng pasasalamat si Rabiya Mateo dahil nakapagpundar na siya ng bahay para sa kanyang pamilya sa Iloilo.

Sa kanyang Instagram video, sinabi ni Rabiya na hindi niya inaakalang matutupad niya ang dati ay pangarap lang para sa kanilang pamilya.

"I'm getting emotional kasi parang looking back then parang it was so impossible for us to have a property kasi nagri-rent lang kami, no permanent address din nakailang lipat na din ng bahay."

PHOTO SOURCE: rabiyamateo

Ayon pa kay Rabiya, nagpapasalamat siya sa mga blessings na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

"God has been so good to me and to my family. Sa lahat ng blessings na pumasok, God is so good.

"Hopefully, in the coming years mapaganda pa namin ang bahay na ito," saad pa ng TiktoClock host.

Bago pa magtapos ang kanyang video ay may payo siya sa mga tulad niyang breadwinner na nagsisikap para sa pamilya.

Saad ni Rabiya, "Sa mga breadwinners diyan, alam ko mahirap especially minsan nakakapagod din na maraming taong umaasa sa'yo.

"Use that fuel to strive harder talaga kasi sobrang sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo."

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Nagpasalamat naman si Rabiya sa lahat ng mga tao na tumulong sa kanya na matupad ang pangarap na ito.

Gayundin sa mga programang kinabibilangan niya, ang TiktoClock at Unang Hirit.

"Sa @tiktoclockgma fam ko, Sir @koocharles, Miss D and Kuya @bigboyvillariza salamat sa trabaho at walang sawang guidance tsaka sa @unanghirit, salamat sa tiwala sa pagiging part time host."

Dugtong pa ni Rabiya, "Ito na po katas ng tulong nyo sakin. Sa lahat ng naniwala at nagmahal, thank you po sa magagandang opportunidad."

BALIKAN ANG STUNNING LOOKS NI RABIYA MATEO: