What's on TV

Rabiya Mateo, Faye Lorenzo, Rafael Rosell, love triangle sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published September 26, 2024 11:58 AM PHT
Updated September 26, 2024 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Kakaibang love triangle ang bubuuin nina Rabiya Mateo, Faye Lorenzo, at Rafael Rosell sa 'Magpakailanman.'

Sina Rabiya Mateo, Faye Lorenzo, at Rafael Rosell ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Asawa Noon, Kabit Ngayon," kuwento ito ng isang kakaibang love triangle.



Si Rabiya ay si Raquel, ang asawa ni George na karakter naman si Rafael. Masaya ang kanilang pagsasama at nabiyayayan sila ng isang anak.

Magugulat na lang si Raquel nang malamang kasal din ni George kay Suzette, karakter na gagampanan ni Faye.

Sino ang nararapat tawagin na legal wife? Totoo kayang pantay ang pagmamahal ni George para kina Raquel at Suezette?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "Asawa Noon, Kabit Ngayon," September 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.