What's on TV

Rabiya Mateo, gaganap bilang pornstar sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published September 19, 2025 12:27 PM PHT
Updated September 19, 2025 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibigyang-buhay ni Rabiya Mateo ang kuwento ng isang babaeng gumagawa ng porn videos sa 'Magpakailanman.'

Si Kapuso beauty queen and actress Rabiya Mateo ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang babaeng gumagawa ng adult videos sa episode na pinamagatang "Ang Anak Kong Pornstar."

Gaganap siya rito bilang Angel, babaeng nag-aalaga sa nanay niyang may breast cancer.

Tumigil siya sa pag-aaral at naging waitress sa bar para matustusan ang pagpapagamot ng ina.

Hindi pa rin ito naging sapat kaya naging escort si Angel kung saan makikilala niya ang isang Fil-Am na gumagawa ng porn videos.

Dahil desperado sa pera, tatanggapin ni Angel ang alok nitong bumida sa mga porn films.

Kumusta ang buhay ni Angel bilang isang porn star? Paano kaya siya tatanggapin ng kanyang pamilya?

Bukod kay Rabiya Mateo, tampok din sa episode sina Amy Austria, Pancho Magno, at Carlo Gonzalez.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "Ang Anak Kong Pornstar," September 20, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.