
Viral ngayong umaga, November 16, si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil sa matapang niyang pahayag hinggil sa mainit na usapin ng Filipino resilience.
Mainit na usapin ngayon ito lalo't hinaharap ng bansa ang epekto ng ilang matitinding unos na sumalanta sa bansa kamakailan.
Ipinahayag ni Rabiya ang kanyang opinyon tungkol sa paksa sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).
“Marami ang nagsasabi, Rabiya, na oo nga nakapa-resilient ng mga Pilipino, pero hanggang du'n na lang ba?
"Parang hindi rin tama na dadaanin na lang ang lahat sa ating pagiging resilient,” lahad ni GMA News Pillar Jessica Soho.
Sagot ng beauty queen mula sa Iloilo, “'Yung resiliency, parang overused siya to the point na sometimes we don't look at the problems to find the solution, and we just tell other people na all we need to do is have a positive mindset and we're gonna overcome this.
“But where are the tangible problems to help the people being affected by such situation.
"So, yes, iba 'pag may positive outlook but again kailangan natin magkaroon ng tangible and visible solution.
“Hindi tayo magle-learn, hindi natin mapapabuti 'yung community natin if puro resiliency na lang.”
Naging isa sa mga top trending topic sa Twitter Philippines ang naturang pahayag.
Panoorin ang buong panayam ni Rabiya Mateo sa Kapuso Mo, Jessica Soho: