
Ibinahagi ng dating Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kanyang mental health diagnosis nang nakaraang taon pagkatapos makatanggap ng mga negatibong komento sa kanyang social media page.
Ibinahagi ni Rabiya Mateo ang isang medical certificate mula sa adult and pediatric psychiatrist Regine Anne L. Oscuro-Perez MD, MBA sa kanyang opisyal na Facebook page, at ayon sa certificate, merong major depressive disorder with anxious distress si Rabiya. Nirekomenda din ng certificate na mag leave of absence si Rabiya mula sa kanyang mga professional duties “to facilitate symptom stabilization and ensure complete recovery”. Maliban sa gamot, meron ding mga follow-up appointments si Rabiya sa doctor.
Ibinahagi ni Rabiya Mateo ang medical certificate pagkatapos i-call out ang ilang mga nag-iwan ng mga negatibong komento sa kanyang post na humihingi ng food at restaurant recommendations sa Iloilo.
Ayon kay Rabiya, ginagawa niya ang lahat upang i-represent ng mabuti ang lungsod at matagal na siyang nananahimik, pero sumosobra na raw ang ilang mga tao.
Binaggit rin ni Rabiya ang kaso ni Emman Atienza at pinuna na ang mga taong nanawagan para sa “kindness and love” noong panahong iyon ay mga number one bullies ngayon.
Isa lamang si Rabiya Mateo sa mga beauty queen na nagbahagi ng estado ng kanilang mental health. Noong 2021, ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay ibinahagi ang mga mental health problems na hinarap niya pagkatapos mapanalunan ang korona, tulad ng generalized anxiety disorder at major depression. Nagkaroon din siya ng “unhealthy coping habits” at nagsimulang saktan ang kanyang sarili, kaya kinailangan mag-arrange ng therapy sessions para sa kanya ang Miss Universe organization.
RELATED CONTENT: LOOK: Pia Wurtzbach's fashion photoshoot in black and white
Noong 2022, si Samantha Panlilio naman ang nagbahagi tungkol sa kanyang mental health pagkatapos ng Miss Grand International pageant.
Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng depression at nalagpasan lang niya ito pagkatapos humingi ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya. Panandalian din siyang tumigil sa paggamit ng social media, na itinuring niya bilang isa sa mga “healthiest decisions” na kanyang ginawa.
“During this time, I learned happiness is always a choice. People may say things about you but it's up to us on how we react to these uncertainties. How do we react to these uncontrollable situations? That really is what makes us a stronger and better person at the end of the day,” paliwanag niya.