GMA Logo Rabiya Mateo
What's Hot

Rabiya Mateo, ibinahagi ang kanyang #RabiyaMoments sa Miss Universe pageant

By Dianne Mariano
Published July 9, 2021 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Tuklasin ang mga kuwento sa likod ng #RabiyaMoments ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Balik Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos ang dalawang buwan na pamamalagi niya sa United States.

Ibinahagi ng Ilongga beauty sa Unang Hirit ang mga kuwento tungkol sa kanyang mga litrato at videos noong nasa beauty pageant siya.

Para sa unang #RabiyaMoments, Ipinakita ang kanyang “Beauty Fall” kung saan bagamat nahulog ang beauty queen sa swimming pool habang nasa pictorial ay kitang-kita na masaya pa rin siya.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“During that day, parang 8 different sponsor shoots. So, takbo kung saan saan nalang and iyan po yung last shoot ko so medyo pagod na rin,” ani Rabiya.

Dagdag niya, “So what happened is that hindi ko nakita yung stairs tapos nag-dirediretso na ako tapos nabasa ako and may instinct was to save my makeup pero okay lang kasi three feet lang naman siya.”

Ayon sa 26-anyos na beauty queen, "the show must go on" at tinuloy pa rin ang kanyang photoshoot.

Isa rin sa #RabiyaMoments ang kanyang napakagandang Philippine flag-inspired costume na isinuot niya sa 69th Miss Universe pageant sa Florida.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Ayon kay Rabiya, halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman noong panahon na iyon.

Aniya, “During that time, I really feel good with my national costume pero also kasi yung nangyari, like yung skirt ko po, pinutol ko siya on the spot kasi it's too heavy for me. Yung headdress ko hindi ko na siya sinuot kasi natatakot ako ma-out [of] balance.”

“I felt bad for the designers din na tumulong sa akin and, of course, 'yung pressure na rin kasi nagsa-start na 'yung competition,” dagdag ng beauty queen.

Naging emosyonal rin si Rabiya at nagpasalamat sa kanyang IG live para sa mga sumusuporta sa kanya sa pageant.

Ipinakita rin ang kanyang “short hair, don't care” na litrato. Agad din niyang binawi na wig lang ang kanyang suot-suot sa IG post na ito.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Ito daw talaga ay isang goal ni Rabiya.

“Gusto ko talaga yung maiksi buhok ko pero dati po kasi sinabihan ako ng mama ko--sa mama ko talaga galing--mukha daw akong cotton buds,” nakatutuwang sagot ng beauty queen.

Ibinahagi ni Rabiya na kumuha na lamang siya ng maikling wig at isinuot ito.

Naging trending naman ang “Rabiya Dance Challenge” sa social media kung saan ipinakita ng mga fans ni Rabiya ang kanyang iba't-ibang galaw noong nasa pageant.

Aniya, “Nagpapasalamat po ako kasi parang kinombine-combine nila 'yung mga actions ko during the competition. Nakakataba po ng puso na naging dance craze siya and nagawa ko rin siya pinilit ako ni MJ Lastimosa talaga.”

Ang Philippine-bet na si Rabiya Mateo ay kabilang sa Top 21 semi-finalists ng 69th Miss Universe pageant sa Florida noong Mayo.

Muling balikan ang mga pinagdaanan ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant sa gallery na ito: