
Hindi man nakadalo ang Kapuso couples na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa nagdaang Halloween Party na Sparkle Spell 2023, ay na-enjoy naman nilang dalawa ang long weekend na magkasama nang mag-hike sila sa Batad, Ifugao.
Sa Instagram ay nag-post ang aktor ng picture nila together habang nasa likod nila ang Banaue Rice Terraces.
Sa comments section, kahit walang caption ay pabirong sinita ni Rabiya ang boyfriend na masipag itong mag-caption ng posts.
Sa hiwalay na post sa kaniyang Instagram account ibinahagi rin ni Miss Universe Philippines 2020 ang kaniyang photos na kuha rin sa Batad.
Sulat niya sa caption, “Mountain girl at heart.”
TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RABIYA AT JERIC DITO:
Hindi ito ang unang hike nila magkasama dahil noong Abril ay ipinagdiwang nina Rabiya at Jeric ang Holy Week sa Las Caidas Wellness Resort sa Cavinti Laguna. Matatandaang nag-post sina Jeric at Rabiya sa harap ng isang waterfalls na napuntahan nila matapos mag-trek ng 15 minutes.
Sa hiwalay na post, ibinahagi ng dalawa na hindi sila nakadalo sa Sparkle Spell ngayong taon dahil na-scam umano sila. Walang ibang binigay na detalye ang dalawa tungkol sa nangyari.
Noong nakaraang taon ay nagbihis bilang Princess Jasmine mula sa pelikulang 'Aladdin' si Rabiya, samantalang um-attend naman si Jeric bilang si Clark Kent, ang civilian identity ng superhero na si Superman.