GMA Logo Rabiya Mateo
What's on TV

Rabiya Mateo, may unique na paraan para magpapansin sa crush

By Maine Aquino
Published July 28, 2022 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH keeps watch on medicine prices amid fuel crisis
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Alamin kung bakit nagulat sina Kuya Kim Atienza at Betong sa style ni Rabiya Mateo para mapansin siya ng kanyang crush.

Ginulat ni Rabiya Mateo ang mga manonood nang ibahagi niya ang unique na paraan para magpapansin sa kanyang crush.

Ito ay ikinuwento ni Rabiya sa Kapuso Artistambayan kung saan nakasama niya sina Kuya Kim Atienza at Betong Sumaya.

Ang category ni Betong sa masayang game nila ay "Tatlong paraan kung paano magpapansin sa crush."

Unang sinagot ni Rabiya ay mag-post ng sexy photo.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sinundan naman ito ng "maglungkot-lungkutan, at magpaganda lang."

Natawa naman sina Kuya Kim at Betong dahil unang beses daw nila narinig ang style na maglungkot-lungkutan bilang paraan ng pagpapansin.

"Ibang style 'yun!" Natatawang komento ni Kuya Kim sa sagot ni Rabiya.

Ayon pa kay Kim may bago siyang nadiskubre sa kanyang TiktoClock co-host.

Ani Kuya Kim, "Ngayon alam ko na kapag nakita ko si Rabiya na naglulungkot-lungkutan 'yan gusto niya lang ng atensyon."

Panoorin ang nakakatawang moment na ito nina Rabiya, Kuya Kim, at Betong:

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

SAMANTALA, TINGNAN ANG PHOTOS NI RABIYA AT KANYANG TIKTOCLOCK CO-HOSTS NA SINA KUYA KIM AT POKWANG DITO: