
Patuloy ang buhay para sa Kapuso star na si Rabiya Mateo, na naging biktima ng scam.
"Kailangan nating ipagpatuloy ang buhay, masakit man. There's still a lot of means for me to get my money back. I am still praying and hoping na sana ay mabalik," pahayag ni Rabiya sa isang panayam na umere sa "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, July 15.
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
Sa kabila ng kanyang di magandang karanasan, determinado si Rabiya sa tuparin ang kaniyang childhood dream na magkaroon ng sariling bahay.
Ani Rabiya, "I was able to buy and renovate my dream house sa Sta. Rosa, Laguna. I need to start from scratch but God is so good.
Kuwento pa niya, "Frustration namin noong maliit ako, para kaming no permanent address. We would transfer from one place to another kasi we can't afford to pay rent."
Plano raw ni Rabiya na pagsikapan pa ang pagpapaganda ng kanilang bahay. Pero payo ng kaniyang ina ay maging praktikal sa gastusin.
"Dream house ko siya kaya ako nagwo-work very hard sa showbiz. Kasi, I want to achieve a lot of good things in life, so isa na 'to.
Samantala, narito ang ilang celebrities na nagpapagawa ng kanilang dream house:
Bukod sa house update ay ibinahagi rin ni Rabiya na magiging bahagi siya ng ika-pintong anibersaryo Amazing Earth. Ang pagbisita ni Rabiya sa Amazing Earth ay ang kanilang reunion ng Royal Blood co-star at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Saad ni Rabiya, "I'm going to have a special participation sa seventh year anniversary ng Amazing Earth. Abangan nila kung ano 'yung mga ginawa ko doon."