
Bahagi si beauty queen and actress Rabiya Mateo ng GMA Telebabad murder mystery drama Royal Blood na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Gumaganap si Rabiya dito bilang Tasha, kapitbahay ng karakter ni Dindong na si Napoy at kaibigan ng namayapang asawa nito.
"Not so secret ni Tasha is in love na in love talaga siya kay Napoy. Pero titignan natin kung 'yung love na ito ba, would it make her a good person or baka papunta na siya sa obsession," paglalarawan ni Rabiya sa kanyang karakter.
Aminado si Rabiya na na-starstruck sa co-star na si Dingdong.
"Noong first day pa lang namin ni Kuya Dong, parang hindi ako makatingin sa kanya ng ten seconds. Siguro kasi lumaki ako watching him. And now working with him as love interest pa, nakakapanibago kasi parang nagfa-fangirl ka," paggunita ng beauty queen-actress.
Masaya naman si Rabiya na sinasalamin ng kanyang karakter na si Tasha ang kanyang Ilongga roots.
"It's a cute story kasi naaalala ko, hindi dapat Ilongga talaga 'yung accent ko doon. Pero during our script reading, noong binasa ko 'yung mga lines ko, medyo malambot. Sabi ko, 'Sorry direk [Dominic Zapata], Ilongga po ako.' Sabi ni direk, bakit hindi kaya natin gamitin 'yan para magkaroon pa ng additional character or flavor si Tasha," kuwento ni Rabiya.
Patuloy na tutukan ang Royal Blood, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA DAPAT ABANGAN SA ROYAL BLOOD SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO: