What's on TV

Rachel Anne Wolfe, inamin na nagka-COVID-19 ang kaniyang buong pamilya

By Maine Aquino
Published March 12, 2021 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Rachel Anne Wolfe


Kuwento ng former singer, actress, at beauty queen na si Rachelle Anne Wolfe, siya, ang kaniyang asawa, at apat na anak ay tinamaan ng COVID-19 sa Amerika.

Umamin ang dating singer, aktres, at beauty queen na si Rachelle Anne Wolfe na siya at ang kaniyang buong pamilya ay nagpositibo sa COVID-19.

Ikinuwento ni Rachelle ito sa Just In nang kamustahin siya ng host nitong si Vaness Del Moral.

Ayon kay Rachelle, ang kaniyang pamilya ay naninirahan ngayon sa New Jersey. Kuwento pa ng dating showbiz personality, nakuha nila ang COVID-19 sa isang party na pinuntahan ng kaniyang anak.

"Kaya kami nagka-COVID dahil 'yung bunso ko went to a New Year's Eve party and we all got COVID. It was a spreader kung tawagin nila dito, a party spreader."

Rachel Anne Wolfe and her family
Photo source: @rachelleannewolfe

Saad pa ni Rachelle, lahat ng naging parte ng party na iyon ay nag-positive sa COVID-19.

Kuwento ni Rachelle, ang mga kabataan kasi ay nakakaramdam na ng pagkainip kaya nagsidalo sila sa isang party. Pagkatapos nilang mag-positive ay natuto na sila sa nangyari.

"They can't take it anymore; it's New Year's Eve. Lesson learned."

Sa kuwento ni Rachelle ay tinamaan ng COVID ay ang kaniyang Italian-American na husband na si John Spitaletta, at kaniyang apat na anak na lalaki.

"Nagka-COVID kami, all of us, six of us. You're okay for the first three months. But you can also get it, you can always get it depende kung mayroon ka nang antibodies or whatnot."

Sa interview ay sinabi rin niyang siya ang nag-alaga sa kaniyang buong pamilya. Inamin niya rin na naniniwala siya noon na imposible nang hindi siya mahawa sa kanilang sitwasyon.

"I had to take care of everyone. Six people in one house, I was the last woman standing. It's impossible, if I don't get this, it's a miracle. Kasi I'm the one taking care of all of them.

"They were all separated and I was giving them room services. Noong ako nagka-COVID, sabi ko, everybody out of your bedrooms!"

"At least they can all come out and we can all roam around in the same room because we're all positive. Noong negative ako, ako 'yung tagasilbi nila. E lima 'yan.

Isang post na ibinahagi ni Rachel Anne Wolfe (@rachelannewolfe)


Inamin naman ni Rachelle na nakapagpa-vaccine na sila ng kaniyang asawa. Naghihintay na lamang sila ng vaccine para sa kanilang mga anak.

"Luckily my husband and I got the first shot yesterday. We are eligible, but my kids are not eligible. We're just waiting, hopefully makakuha sila ng shot nila."

Panoorin ang buong kuwento ni Rachelle sa Just In.

RELATED CONTENT:

Just In: Vaness Del Moral, napa-SANA ALL sa pamilya ni Rachelle Anne Wolfe! | Episode 8

Just In: Rachelle Anne Wolfe shares her KILIG love story | Episode 8