Nakatakdang magsimula ang show sa March 11, 2016, habang available na ang tickets sa katapusan ng September. By CHERRY SUN
May chance ng mapanood ng mga Filipino fans ang Kapuso artist na si Rachelle Ann Go sa theater stage!
Ang West End revival na Les Miserables kung saan bida si Shin (Rachelle Ann's nickname) bilang si Fantine ay magkakaroon ng Manila leg. Makakasama rin dito ni Shin ang mga batikang aktor mula Broadway at Australia.
Ito ay kanyang inanunsiyo sa kanyang Instagram account.
A photo posted by Rachelle Ann Go (@gorachelleann) on
Aniya, “Words can’t describe what I’m feeling… I’m coming home next year to play Fantine in my hometown with the Australian cast! How amazing is that?!”
“I'm excited to be with my loved ones and share with everyone what I've been doing here in London,” dagdag niya.
Kuwento rin ni Shin na ipinagdasal niya itong mangyari para makapiling din niya ang kanyang pamilya.
“God is so good???? p.s. when you pray it's so important to be specific hehe. #thelesmisdiaryofrachelle,” pagtatapos niya.
Nakatakdang magsimula ang show sa March 11, 2016, habang available na ang tickets sa katapusan ng September.