Bakit sa sobrang tuwa ay naiyak ang Kapuso singer habang kinakanta ang "A Dream is A Wish Your Heart Makes?" May personal ba itong meaning para kay Rachelle?
Simula nang mapabilang sa West End revival ng ‘Miss Saigon’ ay maraming musical opportunities ang nagbukas para sa Kapuso singer na si Rachelle Ann Go.
Ayon sa ulat ng Balitanghali, hindi pa rin makapaniwala si Shin na siya ang napili para kantahin ang "A Dream is A Wish Your Heart Makes," ang theme song ng Disney’s live action movie na Cinderella.
Ibinahagi ni Rachelle na naiyak siya sa sobrang saya habang nagre-record ng kanta.
Aniya, “Nakakatuwa. Lahat ng mga friends ko and family, they’re very happy for me. Kumbaga panibagong blessing [ito]. Isang big break po ito, big project from Disney pa.”
“Sobrang akma rin po sa akin ‘yung song. So it’s all about dreaming. Dreamer po ako,” dugtong din niya.