"Their reactions were soooo priceless!!! WOooh!" paglalarawan ng West End actress sa naging reaksyon ng kanyang pamilya sa sorpresa niyang pag-uwi.
Nagkaroon naman ng maliit na salo-salo sina Rachelle at ang kanyang mga kaibigan at kapwa singers na sina Mark Bautista, Christian Bautista, Sarah Geronimo at Erik Santos.
A photo posted by Rachelle Ann Go (@gorachelleann) on
Ginanap ito sa Geronimo's Cafe and Restaurant na pagmamayari ng kaibigan niyang si Sarah Geronimo.
Umuwing matagumpay si Rachelle dahil bukod sa pagkapanalo ng Best Supporting Actress sa nakaraang WhatsOnStage Awards, napili pa siya ng Disney para kumanta ng "A Dream is a Wish Your Heart Makes" para sa live-action adaptation ng Cinderella.