
Tawanan at nostalgia ang hatid ng Family Feud ngayong Huwebes sa pagpapatuloy ng “Four-ever ang Tawa, Four-ever ang Saya, Family Feud is Four-ever”
Ngayong March 12, dynamic na team mula sa mundo ng radyo at sayaw ang maghaharap sa isang exciting na survey showdown.
Bitbit ng team Barangay LS FM 97.1 ang energy ng mga Kapuso radio jocks. Sila ay si Papa Jepoy ng hit program na Potpot and Friends; Papa Ace at Papa Yohan na dynamic duo ng popular advice and banter show na Talk to Papa; at si Miss Meleya na newest jock on the block at self-proclaimed "Soafer Latina" muse ng Barangay LS.
Ang WEA Dancers na originally headed by the legendary Geleen Eugenio ay household name mula 1970s hanggang late '80s. Ngayong Huwebes, makikita ng manonood ang kanilang husay sa pagsagot sa Family Feud stage.
Maglalaro sa team WEA Dancers si Miles Obra na mula sa US. Siya ay nagtatrabaho part-time sa Central Casting & Extras Management bilang TV series background and extra performer sa Los Angeles, California. Makakasama niya ang president and co-founder of D.A.N.C.E. Alliance Inc. na si Jimmy Santos; ang entrepreneur na si Ralph Chan; at ang small business entrepreneur, owner ng production company, at licensed Zumba instructor na si Lyn Tamayo.
Abangan ang exciting showdown ng Barangay LS FM 97.1 at WEA Dancers sa pagpapatuloy ng month-long 4th anniversary special ng Family Feud ngayong March 10, 5:10 p.m. sa GMA.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.