GMA Logo radson flores
Celebrity Life

Radson Flores, nagmula sa pamilyang nagpasikat ng Tipas Hopia

By Jansen Ramos
Published August 4, 2023 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

radson flores


Lola ng 'Voltes V: Legacy' star na si Radson Flores ang founder ng kilalang hopia brand na Tipas.

Maging si Pia Arcangel ay nagulat sa interesting na impormasyon na ibinunyag ng Sparkle artist na si Radson Flores tungkol sa kaniyang pamilya nang makapanayam niya ito sa podcast niyang Surprise Guest with Pia Arcangel.

Sa panayam, ibinahagi ni Radson na pamilya sila ng mga abogado kaya nais din niyang pumasok sa law school kung mabibigyan ng pagkakataon.

Bukod pa rito, nasa dugo rin nila ang pagiging negosyante at dito na nga inamin ng aktor na pamilya niya ang may-ari ng bakery na gumagawa ng kahon-kahong Tipas hopia.

Ang lola ni Radson na si Belen Flores, o mas kilala sa pangalang "Inang Belen," ang nagpasimula ng classic local hopia brand.

Ani Radson, "Alam n'yo po 'yung naka-box na Tipas hopia?

Tugon ni Pia, "Oh my God, sa inyo 'yon? Totoo, sa inyo 'yung Tipas?

Sagot ni Radson, "Sa family ko po, sa kanila 'yun, sa kanila."

Sabi naman ng journalist, "Siyempre lahat tayo alam natin 'yung box ng Tipas. Grabe, sa inyo pala 'yon."

Kuwento ni Pia, paborito niya ang hopia baboy flavor nito.

Dugtong niya, "Favorite ko 'yung hopia baboy ninyo. 'Di ba usually ang mga bata gusto nila munggo tapos takang-taka 'yung magulang ko, bakit ako baboy 'yung gusto ko kasi favorite ko talaga 'yung hopia baboy. Saka kailangan hopia baboy ng Tipas, iba 'yung hopia baboy ng Tipas."

Hindi raw mahilig si Radson sa hopia pero nagustuhan niya ang bagong flavor ng Tipas.

Bahagi ni Radson, "Pero meron po kaming bagong flavor na nilabas, 'yung pastillas, ayun 'yung pinaka-time lang talaga na kumain ako ng hopia, sobrang sarap na sarap talaga ako."

Pakinggan ang podcast dito:

Sa ngayon, napapanood si Radson bilang Mark Gordon sa Voltes V: Legacy.