What's Hot

Radson Flores nakaka-relate sa mensahe ng GMA Christmas Station ID

By Cara Emmeline Garcia
Published November 26, 2020 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Radson Flores


Ani Radson Flores tungkol sa GMA Christmas Station ID, “For me, it does resonate kasi growing up in a broken family mas maganda na nagre-reunite family n'yo”

Nakakarelate daw si StarStruck alumni Radson Flores sa mensahe ng GMA Christmas Station ID ngayong taon na “Isang Puso Ngayong Pasko” dahil tungkol ito sa pagsama-sama tuwing Kapaskuhan.

Aniya sa GMANetwork.com. “For me, it does resonate kasi growing up in a broken family, mas maganda 'yung kahit one time in a year, e, nagre-reunite 'yung family ninyo, which is the message of the song.”

Hindi man idinetalye ni Radson ang tungkol sa kaniyang pamilya, looking forward naman siya sa darating na holiday season lalo na't makakasama niya ang kanyang pamilya.

“Usually nagpupunta kami sa Baguio para malasap ang lamig ng dry season but since sarado ang Baguio ngayon, siguro sa bahay lang kami at magluluto 'yung lola ko ng iba't ibang pagkain at sama-sama kaming magpipinsan.”

Naihayag din niya ang pasasalamat niya sa GMA Network para sa oportunidad na lumahok sa annual Christmas tradition nito.

Bitiw niya, “Sobrang grateful ko grabe kasi simula nung bata pa lang ako ay lagi kong napapanood 'yung mga ganito, e.

“Tapos ngayon, kasama na ako. Nakakaoverwhelm pero grateful ako.”

Panoorin ang buong interview ni Radson Flores: