
Maraming teleserye ang pinagsamahan ng mga batikang aktor na sina Rafael Rosell at Denise Laurel na dating magka-loveteam.
Sa dinami-rami ng kanilang mga pinagsahaman, naging magkarelasyon nga ba sina Rafael at Denise?
"Not guilty," tugon ni Rafael nang tanungin ni Suzy Entrata-Abrera nang bumisita ang Unang Hirit sa taping ng Lilet Matias, Attorney-At-Law kung saan isa siya sa guest stars.
Tinanong rin ni Suzy kung masaya ba ngayon si Tom Rodriguez sa kanyang lovelife.
Mabilis na sagot ni Tom habang naka-ngiti, "Guilty!"
Hindi rin nakaligtas sina Jo Berry, EA Guzman, at Analyn Barro sa mga tanong ni Suzy tungkol sa kani-kanilang mga love life.
Guilty or not guilty kaya silang tatlo? Panoorin ang sagot dito:
Mapapanood si Rafael Rosell sa huling linggo ng Lilet Matias, Attorney-At-Law bilang si Atty. Alex Romantico. Samantala, mapapanood rin sa GMA si Denise Laurel bilang si Divina sa Prinsesa Ng City Jail.
Back-to-back na mapapanood sina Rafael Rosell at Denise Laurel sa Lilet Matias, Attorney-At-Law at Prinsesa Ng City Jail simula 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.