
Isang nakakakilig na pag-amin ang hatid ni verstile drama actor Rafael Rosell tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa Mars Pa More kamakailan.
Sa recent guest appearance ng aktor, humarap siya sa “TaranTanong” segment ng naturang show at kailangan niyang sagutin ang tanong na: “Happily married na ang mga naging leading lady mo na sina Marian, Camille, Kris, at Carla. Susunod na ba kayo ng long-time girlfriend mo? Oo o Hindi.”
“Yes, of course,” sagot ni Rafael na ikinatuwa nina Mars Iya Villania, Camille Prats, at Pars Kuya Kim Atienza.
Paliwanag ng aktor, “We've been together for a long time. Napansin ko na she really understands me.
“In this world na puro Instagram and social media, mahirap makahanap ng totoong tao na makakaintindi sa'yo, and also have all the patience in the world to accept who you are. Para sa akin, I think it's the best choice ever and we click sobra.”
Masayang in a relationship si Rafael sa kanyang longtime girlfriend na si Valerie Gomez Chia at makikita sa kanilang Instagram accounts ang nakakakilig na posts para sa isa't isa.
Panoorin ang buong “TaranTanong” segment ni Rafael Rosell sa Mars Pa More video sa itaas.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, muling kilalanin ang mga naging Kapuso leading lady ni Rafael Rosell sa gallery na ito.