
Isa ang Widows' War sa GMA shows na talaga namang sinusubaybayan ng napakaraming Filipino viewers ngayon.
Kamakailan lang, isang mabigat na eksena sa serye ang talaga namang tinutukan ng mga manonood.
Ito ang pagkamatay ni Paco Palacios, ang karakter ni Rafael Rosell sa naturang murder mystery drama.
Umani ito ng positive comments at reactions mula sa viewers at netizens na labis na nagpasaya kay Rafael at sa cast ng serye.
Sa "Chika Minute" report na ipinalabas nitong Martes, July 16, napanood ang naging pahayag ni Rafael tungkol sa mga papuring natanggap niya at ng kanilang programa.
Sabi niya, “Sobrang overwhelmed lang talaga kaming lahat sa praise… sa pagtanggap ng mga tao, and we're just motivated to just do even better.
“Personally, sa reviews sa pagganap ko bilang si Paco Palacios, I'm just more thankful, even more grateful than ever na-appreciate ng mga tao."
Kasalukuyang tampok sa serye ang pagsisimula ng imbestigasyon para sa paghahanap kung sino ang killer ni Paco.
Sino nga kaya ang pumatay sa kanya?
Samantala, ang serye ay pinagbibidahan ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Related gallery: Bea Alonzo at Rafael Rosell's sweet scenes as Sam and Paco on Widows' War:
Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Widows' War.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.