Celebrity Life

Rafael Rosell's "3G" secret to a gorgeous body: Go for "God-made" goodies

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Baguio City declares state of calamity due to fuel crisis
Letran Lady Knights are the NCAA S101 women's volleyball champs
Mapaang nga tiyempo padayon nga mabatyagan; bagyo, wala pa sang epekto | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Rafael Rosell has been nourishing his body for three years with nothing but fresh and organic food -- especially a certain food that he personally prepares in what some people would consider a weird and dangerous way. Who wants a demo?




Sa ginanap na presscon ng The Borrowed Wife last December, napansin ng GMANetwork.com na lalong gumaganda ang katawan ni Kapuso hunk Rafael Rosell.

Nang tanungin namin si Rafael tungkol sa diet na sinusunod niya para ma-achieve ang katawan niya ngayon, sinabi niyang hindi raw ito diet kundi isang lifestyle.

“I stay away from chemicals, man-made edible food-like substances na hindi naman alam ni Jesus. Itanong mo sa sarili mo kung ano’ng gawa ng Diyos at ano’ng gawa ng tao. Doon ako sa gawa ng Diyos,” pahayag niya.

Tatlong taon na raw na puro fresh at organic food lang ang kinakain ni Rafael. Isa nga raw sa pinakapaborito niya ngayon ang buko at nagkuwento pa siya ng nakatatawang experience niya rito.

“Sa sasakyan ko lagi akong may 5 or 6 na buko tapos itak. So kapag nasa mall ako, kapag uhaw na 'ko, didiretso ako sa parking para mag-itak. Tapos 'yung guard parang nakatingin sa akin (laughs),” saad ng Kapuso actor.

Dagdag pa ni Rafael, nag-research daw siya at nalaman niya ang kayang gawin ng buko. “The body can survive in buko alone. Alone ha,” aniya.

Pero nilinaw niya na ang tinutukoy niyang buko ay ‘yung fresh at hindi ‘yung basta nabibili lang sa groceries. Naniniwala raw kasi siyang marami nang chemicals ang idinaragdag sa buko kapag inilalagay na sa packs. “Tingnan mo ang buko juice, ano ang ingredients? Buko juice. Kapag nilagay na 'yan sa lata or sa karton, may buko juice, may glucose, sucrose, sodium, etc. Why? Buko juice lang di ba,” saad ni Rafael.

Bukod pa rito, mayroon daw lugar sa Palawan na mararanasan mo ang buko cleanse kapag nagbakasyon ka rito. “Check niyo ‘yung Bahay Kalibre sa Palawan. You eat buko for a month and you meditate. Iba 'yung spirituality na maa-achieve mo dahil wala nang chemical ang katawan mo eh. At para sa 'kin, I want to attain that sometime,” ani Rafael.

Nagkaroon ng realization si Rafael nang magbakasyon siya sa probinsya nang isang buwan bago dumating ang project niyang The Borrowed Wife.

“Personally if you live in the province for a while, with slow hours, enough food, not over eating, enough love for the family, enough work, you don't need the city eh. Everything in the city, lahat ng ibinebenta nila sa atin dito are just illusions dahil the body can survive one simple food eh,” bahagi ng aktor.

Abangan ang character ni Rafael Rosell kasama sina Camille Prats, TJ Trinidad at Pauleen Luna sa The Borrowed Wife, starting this January on GMA Afternoon Prime.

- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com