
Mapapanood si Max Eigenmann sa mystery drama series na The Missing Husband, na ipapalabas ngayong 2023 sa GMA Afternoon Prime.
Habang ongoing ang kanilang taping para sa upcoming serye, kasalukuyang nagdiriwang si Max dahil nakatanggap ng pagkilala ang pelikula nitong pinamagatang 'Raging Grace.'
Kinilala bilang SXSW 2023 Narrative Feature Jury Award ang naturang pelikula.
Ang 'Raging Grace' ay isang British-Filipino horror film na pinagbidahan ni Max at ng Scottish actor na si David Hayman.
Nabuo ang pelikulang ito sa pagtutulungan ng London-based Filipino filmmaker na si Paris Zarcilla, independent UK-Vietnamese producer na si Chi Thai, Filipina producer na si Darlene Malimas, at buong staff ng proyekto.
Ayon sa isang report, ang 'Raging Grace' ay ang kauna-unahang British-Filipino feature sa British cinema history.
Sa Instagram post ng Filpina Producer na si Darlene, nagpaabot siya ng pagbati sa kanilang buong team.
Ayon sa kanyang caption, “All love and more inspiring moments for the #RagingGrace family. May we all rage gracefully.”
Samantala, kasama ni Max sa GMA series na The Missing Husband sina Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Sophie Albert, at marami pang iba.
Gaganap ang aktres sa serye bilang si Leila, ang asawa ng Banong (Michael Flores), mommy ni Norman (Bryce Eusebio), at ang kapatid ng karakter ni Rocco.
Abangan si Max Eigenmann sa The Missing Husband.
KILALANIN ANG CAST NG PANGMALAKASANG DRAMA SA GALLERY SA IBABA: