
Ngayong tapos na ang Mga Batang Riles, taos-pusong nagpasalamat si Raheel Bhyria kay Jillian Ward na nakasama niya sa programa.
Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Raheel na isa si Jillian kung bakit siya patuloy na nagpupursige sa pag-arte.
Aniya, "Sa lahat ng pinasalamatan ko, ito hindi ko pwede makalimutan. Thank you so much for supporting me and for being one of the reasons why I want to be better in everything I do."
"I'll miss you My Lady!"
Sa Mga Batang Riles, ginampanan ni Jillian si Lady, ang love interest ng karakter ni Raheel na si Sig.
Sa huli, umamin rin sina Sig at Lady na mahal nila ang isa't isa kahit na marami ang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.
Mapapanood ang full episodes ng Mga Batang Riles sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.