GMA Logo raheel bhyria eman bacosa pacquiao
Source: kleanpapi (TikTok)
What's Hot

Raheel Bhyria at Eman Bacosa Pacquiao, walang issue sa isa't isa

By Marah Ruiz
Published March 22, 2026 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Live music meets comfort Asian dining at this new BGC spot
Farm to Table (March 22, 2026) LIVE
Letran dominates San Beda in SF Game 1; still unbeaten in 15 games

Article Inside Page


Showbiz News

raheel bhyria eman bacosa pacquiao


Patuloy na pinapatunayan nina Raheel Bhyria at Eman Bacosa Pacquiao na walang silang issue sa isa't isa.

Nakatutuwa ang budding friendship sa pagitan ng kapwa Sparkle stars na sina Raheel Bhyria at Eman Bacosa Pacquiao.

Nagkakilala ang dalawa nang mag-guest si Eman sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die, kung saan isa si Raheel sa lead stars.

Dahil dito, nagkaroon ng mga ispekulasyon na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa dahil sa bida ng serye na si Star of the New Gen Jillian Ward.

Hindi itinatago ni Eman ang paghanga niya kay Jillian, habang very close naman si Raheel sa aktres dahil sa ilang beses na nilang pagtatrabaho sa iba't ibang proyekto.

Nilinaw ni Eman na walang issue sa pagitan nila ni Raheel at nakapag-usap na daw silang dalawa tungkol dito.

Sa kayang Tiktok account, ibinahagi ni Raheel ang pagkukuitan nila ni Eman sa set ng Never Say Die.

"Friends kami! Huwag kayong ganyan, guys, friends kami," sambit ni Eman sa video.

"Friends kami. Idol ko 'to eh," lahad naman ni Raheel.

"Napaka-humble nito, guys. Mas pogi 'to, guys," paglalarawan ni Eman kay Raheel.

"Hindi, mas pogi 'to," sagot naman ni Raheel tungkol kay Eman.

@kleanpapi @Eman Bacosa Pacquiao 🤝 #fyp #boxing ♬ An der schönen blauen Donau, Walzer, Op. 314 - Riccardo Muti & Wiener Philharmoniker

Maraming pagkakatulad ang dalawa, kabilang na ang hilig nila sa boxing.

Tulad ni Eman, isang amateur boxer din Raheel, na sumasali sa ilang kumpetisyon.

Napapadalas din ang pagko-comment ni Eman sa Tiktok ni Raheel. Sa katunayan, nag iwan ito ng mensahe sa isang video ng sparring ni Raheel at ng kapatid nito.

"Nice ka bro 👏🔥🔥🥊🥊," sulat ni Eman.

"Mas nice ka bro 🙌🏻🔥🥊," reply naman ni Raheel habang ni-like din nag comment ni Eman.

Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Related gallery: Eman Bacosa Pacquiao is now a Sparkle artist