
Sinalubong ni Kapuso actor Raheel Bhyria ang kaniyang kaarawan sa set ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Ipinagdiwang niya ang kaniyang 24th birthday nitong March 17.
Sinorpresa siya ng cast at crew ng serye at hinandugan ng mga cake at pagbati sa gitna ng kanilang taping.
Source: raheel.bhyria (IG)
Bago ang impromptu celebration para sa birthday ni Raheel, naging busy ang set ng Never Say Die.
Mainit nilang tinanggap ang boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao na nakatakdang magkaroon ng special guest appearance sa serye.
Nakapag-taping na rin si Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer Heath Jornales, na nakatakda ding lumabas sa programa bilang kapatid ng karakter ni Raheel.
Patuloy na panoorin si Raheel Bhyria sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Related gallery: Meet Kapuso heartthrob, Fil-Pakistani Raheel Bhyria