
Isa ang Filipino-Pakistani na si Raheel Bhyria sa Sparkle stars na napapanood sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilala siya sa serye bilang si Harry, isa sa mga nagkakagusto kay Doc Analyn (Jillian Ward).
Siya rin ay anak ni Doc Carlos (Allen Dizon) at kapatid ng bully doctor na si Doc Zoey (Kazel Kinouchi).
Matapos dumalo sa GMA Gala 2023, nag-viral sa social media ang post ni Raheel tungkol sa kanyang co-star sa serye na si Jillian.
Isang larawan ang inupload ng young actor sa Facebook na labis na kinakiligan ng fans ng Abot-Kamay Na Pangarap at ng maraming netizens.
Makikita sa naturang post ang larawan nina Raheel at Jillian na magkasama na nakuhanan sa mismong venue ng katatapos lang na GMA Gala 2023.
Kakabit ng kanilang larawan ay ang caption ng aktor tungkol sa kanilang mga karakter sa patuloy na nagte-trending na medical drama series.
Sabi ni Raheel sa caption, “Bagay nga kami ni Analyn.”
Sa comments section ng kanyang post, bumuhos ang reaksyon ng netizens tungkol sa pahapyaw ng aktor.
Approved sa netizens ang sinabi ni Raheel tungkol sa roles nila ni Jillian sa serye.
Narito ang ilan sa kanilang reaksyon at komento:
Embed: comments
Bukod kay Harry, narito ang ilan pang mga manliligaw ni Doc Analyn:
Samantala, may pag-asa kaya si Harry kay Doc Analyn?
Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap DITO: