
Proud Morena si Kapuso actress Rain Matienzo dahil sinigurado niyang aangat ang kanyang kayumangging balat sa darating na GMA Thanksgiving Gala, na may temang Old Hollywood Glam.
Sa panayam ni Rain sa GMANetwork.com, sinabi ng aktres na kumuha siya at ang kanyang team ng inspirasyon sa iba't ibang people of color sa Hollywood.
Aniya, "Because the theme is Old Hollywood, I still made sure, I'm a very, very proud Morena, and that's one of the things that I'm proud of, and I'm trying to really keep to myself as an attribute here in the industry.
"A lot of the inspiration for my actual final look for the gala [were] drawn from people of color din, from the Hollywood actors and actresses."
Dahil ilang araw na lang bago ang inaabangang GMA Thanksgiving Gala, hindi na maitago ni Rain ang kanyang excitement na makilala ang kapwa niya Kapuso celebrities, lalung-lalo na ang mga hindi niya pa nakakatrabaho.
"Ngayon na magkakasama kami ng lahat ng Kapuso at ng Sparkle talents under one roof, sobrang exciting siyempre kasi marami akong nami-miss," pag-amin ni Rain.
"Like 'yung mga nakatrabaho nung nagsimula ako, parang isang beses ko lang sila nakatrabaho dahil ang lawak nga ng mundo ng showbiz, and ang lawak sakop ng Kapuso network.
"'Pag nagsama-sama kami, feeling ko mabibigay ko sila ng hug, so na-e-excite rin ako. And of course, new opportunity to meet the talents, my fellow actors, my fellow artists na hindi ko pa nami-meet, 'yun 'yung pinaka-exciting for me."
Mapapanood nang live ang red carpet ng GMA Thanksgiving Gala sa Youtube channel at Facebook page ng GMA Network, at sa Tiktok account ng Sparkle GMA Artist Center.
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA PROUD SA KANILANG PAGIGING MORENA: