GMA Logo Rain Matienzo and siblings
Source: rainmatienzo (IG)
Celebrity Life

Rain Matienzo travels to Singapore with siblings

By Jimboy Napoles
Published November 2, 2022 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rain Matienzo and siblings


Masayang nagbabakasyon ngayon sa Singapore ang Sparkle actress-host na si Rain Matienzo kasama ang kanyang mga kapatid.

Sulit ang long weekend and holidays para sa social media influencer at Sparkle actress-host na si Rain Matienzo na masayang nagbakasyon ngayon kasama ang mga kapatid sa Singapore.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Rain ang ilan sa mga travel photos nila na kinunan sa ilang tourist spots sa nasabing bansa.

Isa naman sa solong binisita ng aktres ay ang famous National Gallery kung saan ikinuwento niya na isang stranger ang kumuha ng kanyang Instagram-worthy photos.

"Highlights from yesterday's gallery visit: 1) took me about 5 minutes to muster up the courage to ask a stranger to take my photo. She did not disappoint," ani Rain sa kanyang post.

A post shared by Rain (@rainmatienzo)

Sa hiwalay na post ni Rain, makikita naman ang masayang bonding nila ng kanyang mga kapatid habang naglilibot sa naturang bansa.

"Siblingapore," simpleng caption niya sa kanyang post.

A post shared by Rain (@rainmatienzo)

Samantala, matapos ang Artikulo 247, muli namang mapapanood si Rain sa isang Kapuso series sa upcoming kilig serye ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.

Kaabang-abang ang magiging karakter dito ni Rain dahil may malaking koneksyon ang kanyang role sa mga bida ng naturang series na sina Florence at Nero na gagampananan naman ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI RAIN MATIENZO SA GALLERY NA ITO: