
Unti-unti nang nabubunyag ang mga sikreto sa pinag-uusapang drama sa hapon na Raising Mamay.
Sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series, pinalayas na ni Sylvia (Valerie Concepcion) si Kelly (Ella Cristofani) mula sa kanyang mansyon matapos niya itong kupkupin.
Ito ay matapos mabisto ni Sylvia na iniligaw ni Kelly si Letty (Aiai Delas Alas). Naibalik naman agad ang ginang na may karamdaman sa bahay ni Sylvia matapos itong makita ng dating asawa ng huli na si Randy (Gary Estrada) na naglalakad sa daan.
Sinabi ni Letty ang totoo kay Sylvia na si Kelly ang huli niyang kasama bago siya nawala kaya labis na nagalit si Sylvia sa dalagang itinuring niyang anak.
Nagtampo si Kelly kay Sylvia pero hindi na muli lumambot ang puso ng huli sa una.
Hindi naman sang-ayon ang anak ni Sylvia na si Christopher (Bryce Eusebio) sa pagpapalayas kay Kelly dahil nagkakagusto na ang binata rito. Maging ang ina ni Sylvia na si Berna (Racquel Pareño) ay piniling umalis ng kanilang bahay dahil mas pinili ng anak niya si Letty kaysa kay Kelly.
Samantala, na-curious si Randy kung bakit ganoon na lang kabait si Sylvia kay Letty at sa anak nitong si Abigail (Shayne Sava) kaya iimbestigahan niya kung sino ang bumaril sa ginang na nagkaroon ng age regression.
Paano kung nalaman ni Randy na ex-wife niya ang salarin sa aksidente ni Letty? Idiin niya kaya si Sylvia? O gagawin niya itong pang-blackmail para bumalik sa kanya ang dating asawa?
Patuloy na subaybayan ang mga tumitinding eksena sa Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.
Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: