
Isang matinding rebelasyon ang napanood ngayong linggo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Raising Mamay.
Sa June 17, 2022 episode ng GMA Afternoon Prime series, inamin ni Monching (Orland Sol) kay Sylvia (Valerie Concepcion) ang katotohanan tungkol sa anak nila ni Bong (Antonio Aquitania).
Nabuntis noon ni Bong, isang cameraman, si Sylvia kung kailan gumagawa pa lang ito ng pangalan bilang celebrity. Inilayo ng ina ni Sylvia na si Berna (Racquel Pareño) ang bata para sa career.
Matapos ang 15 taon, pinagtagpo ang mga landas ni Sylvia at ng nawalay niyang anak na si Abigail (Shayne Sava) na inampon ni Letty (Abigail), ang babaeng aksidenteng nabaril ni Sylvia.
Gustong bumawi ni Sylvia kay Abigail kaya gagawin niya ang lahat para makuha ang loob nito.
Maging posible kaya ito ngayong malalim ang galit ni Abigail kay Sylvia?
At paano naman ang Mamay ni Abigail na si Letty na itinuring niyang ina?
Patuloy na subaybayan ang mga nakakaantig na eksena sa Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Pinapaiyak man ng Raising Mamay ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga nangyayari sa likod ng camera.
Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: